Remdesivir - Proven to Cure and Prevent COVID-19, Approved by US FDA by Doc Willie Ong
Remdesivir - Proven to Cure and Prevent COVID-19, Approved by US FDA by Doc Willie Ong

Doc Willie Ong's recent post on his Youtube channel revealed that a treatment to cure COVID-19 is now available and is US FDA approved.
Remdesivir underwent a scientific trial globally which was conducted by the US National Institutes of Health on 22 countries with more than a thousand patients and found to be very effective not just to cure but also to prevent the coronavirus disease.
Below are a few parts that were transcribed from the video post:
Good news po. Finally mayroon na tayong unang gamutan para sa COVID-19. Tunay po 'to hindi 'to fake news. Hindi ako maglalabas ng fake news.
Hinintay talaga natin iyong magandang scientific trial sa buong mundo at lumabas na resulta ng Remdesivir COVID-19 treatment. Maraming tine-test pero ito yung unang nag-positive. Ginawa 'to ng US National Institutes of Health, sila ang nag-gawa ng study...22 countries, 1 thousand plus pasyente. Nakita nila yung mga nabigyan ng Remdesivir, itong antiviral na gamot, 11 days lang magaling na. Pero yung hindi nabigyan yung mga placebo, placebo parang tubig lang yan eh. Para lang i-check kung mas maganda ba 'to kaysa sa wala. 'Pag placebo pag walang binigay na gamot, yung mga ibang gamot lang ang binibigay 15 days ang recovery.
Ibig sabihin, 4 days better. 4 days wala sa ventilator. 4 days maagang nakakalabas sa ospital. At ito po para sa mga doctors...maganda yung P-value niya sa mga epidemiologist .001, ibig sabihin proven siya. Ang kailangan na P-value namin lagi namin tinitignan yan... .05. Basta naka-.05 ka, statistically, panalo yung gamot mo. Hindi ito tsamba, hindi ito hula, tunay. Ito .001 ibig sabihin, very proven siya.
Pagdating naman sa mortality rate, hindi naman 'to ang primary end point...nakita nila pag-Remdesivir, mas hindi rin namamatay...8%. Kumpara sa placebo, 11.6% ang namamatay. Pero nung chineck nila statistically, .059. Kulang ng kaunti. .05 sumobra lang siya ng konti. Pero yung trend, papunta sa less ang namamatay sa Remdesivir. Siguro kung mas malaki yung study, mas matagal pa.
Ito po nireport na ng US. Yung expert nila head ng NIH nila si Dr. Fauci, sabi niya significant new finding at "clear cut" may benepisyo na 'tong Remdesivir. Magiging standard of care na 'to. Ibig sabihin basta pasyenteng may COVID, severe COVID nasa ospital, kailangan mong bigyan ng Remdesivir. Kung doctor ka kailangan mong bigyan. Kasi pag hindi mo binigyan, bawal na. Kasi naproved na ng malaking trial na walang daya, walang bias na mas nakakagaling.
Sasabihin ng iba, "ah doc 31% better lang. Konti lang better". Kahit konti lang better, pwede na 'yan kasi umpisa pa lang. Sabi nga ni Dr. Fauci, parang yung nangyari sa HIV. Kasama din siya dun sa nag-test ng gamot sa HIV. Dati pag HIV-AIDS, death sentence walang gamot. Sinubukan nila ung AZT na gamot. Medyo gumanda parang ganito. Tapos yung unang gamot sa HIV, AZT, dinagdagan pa ng pangalawang gamot, pangatlong gamot. Paganda ng paganda.
Ngayon mayroon na tayong unang bala, unang pamatay sa COVID...31% better. Mayroon pa tayong hahabulin na ibang percent na mas mabilis gumaling...magdadagdag pa ng mga ibang ngayon. Sa mga susunod na trials, hindi na pwede ang placebo. Kailang basta COVID bibigyan mo ng Remdesivir, dagdagan mo pa ng ibang gamot. Second drug, third drug, ilalaban mo sa Remdesivir alone.
Nireport na ni Dr. Fauci sa America sa President nila...sabi nga niya parang yung nangyari dati sa HIV trial, very significant 'to. 15 days pag placebo ka...pag walang ibigay. Pag Remdesivir, 11 days. At very significant sa 1 thousand plus. Mortality rate pagwalang Remdesivir 11.6%, ito 8% (Remdesivir) at 22 countries. U.S. I think 41 states at may 21 other countries sa Europe, sa Asia...at ang maganda dito, na-review siyang maigi. Mayroon pang Independent Data and Safety Monitoring Board. Ibig sabihin, hindi yung mga kasali sa trial ang nagmomonitor. Mayroong taga-bantay na indipendent na nanghuhuli kung nadadaya ba yung data, mayroon bang bias, at nagsabi yung board nung April 27. Nakita nila after several weeks, yung mga nabigyan ng Remdesivir, mas gumagaling. Kaya sabi ng board, itigil na yung trial. Anong ibig sabihing tigil na? Itigil na kasi sobra ng panalo ang Remdesivir. Sobra na siyang maganda. Let's say 500 naka-Remdesivir mas gumagaling, 500 naka-placebo mas mahaba ang sakit, sabi nila, hinid na ethical. Labag na sa konsensya na ituloy pa yung trial kasi panalong panalo na 'to. Lahat ng naka-placebo, bibigyan na nila ngayongng gamot. Ibig sabihin sure win na at hindi na haka-haka lang. Kasi yan ang gusto natin sa Science. Dapat, mahirap 'tong sakit, kailangan 100% proven tayo.
Ngayon marami na sila ipapagawang gamot na ganito. At itong gamot na ito, na-prove na kaya niyang i-block yung virus. Ito yung unang gamot na nagpatunay na kaya niyan i-block (yung COVID).
